Saturday, November 28, 2009

.

Teka let me blog..... I am sorry for the construction of the blog cause gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

Today, I am officially ending my close relation with my friends. Hay nako bakit ba naman kasi hindi ko pa ginaya si mama noon pa. Napaka solitaire na tao, di umaasa kahit kanino walang pakialam sa ibang tao. Sana nasimulan ko ang school year ng ganun.

Isang taon na din pala since umiyak ako dahil sa isang kaibigan though naghiwalay lang kami dahil the situation, ngayon ako na ang nagpapaiyak because of selfish reasons. How I wish that I did not invested too much love care for those persons. Masama talaga ang sobra.

Kay Joseph, na pangalawang kinausap ko, na naging speechless because of what I am saying. Thank you so much. Malay ko bang makakasundo ang ganong tao na sobrang ibang mundo kaysa sa akin. I never thought that ganun pala nya talaga ako pinakinggan, binigyang importansya, at minahal. Sa lahat ng taong iiwan ko sa kanya ako pinakanatatakot dahil parang emotionally unstable sya at malakas ang loob para gawin mo ang lahat makalimut lang.

Minsan nya nasabi sa aking ang tungkol sa utang na loob. Madami daw sya sa akin noon. Para sa akin helping is an investment, one will expect interest from it. Sa case ko hindi naman ako naghihintay ng kapalit, dahil tumutulong ako dahil pwede, gusto at kaya ko. Kung may bumalik man edi masaya pero icing na lang sa cake yun para sa akin. The interest that I was pertaining to is the more love that the people will give afterwards. Alagaan mo sana ang sarili mo.

Sa taong ala akong choice kung di tawagin sa first name nya. Buti na lang mas magaling ka tumanggap ng bad news doon medyo thankful ako. Tingin ko naman ala kang pakialam pero sabi sa akin ni Maurice hindi ka nga lang expressive, siguro nga ganun. Madami akong gusto sabihin sau kasi sa grupo sayo ako pinaka hindi malapit. Ewan ko naman kung bakit pero sana na appreciate mo nag effort din naman ako na kunin ang loob mo. Pero kung ganun lang naman ang gusto mong turingan masaya na ako dun.

Ermengarde/Charmaine, abay akalain mo na pinabilib mo ako mas magaling ka ring maghandle ng bad news kaysa sa dalawa kala mo mga walang bayag...biro lang. Ngayon napapaisip na ako na meron kang apat nito. Assume ko naman kasi na mas magiging emotional sya at maglulupasay na parang batang inawagan ng pog yun pala parang ayus lang din naman. Sori kung parang nakipag break ako sayo sana wag mo naman akong ituring na e mo na tipong pag narinig mo ang panagalan ay maiirita ka na. Tas alam mo ba pinagseselosan ka ng iba kong kaibigan pati si Tanada pinagsisilosan ka din.



Friday, October 30, 2009

CR TALK

Sinimulan ko ang araw na ito sa pag-upo sa aming puting trono. Kaya naman na-inspire akong mag-blog at magbalik tanaw sa mga banyong napuntahan ko na.

Sinanay akong laging panatilihing malinis ang aming banyo kaya naman tuwing may bumibisita sa amin kulang na lang ay i-tour ko sila sa banyo namin makapagyabang lang. Kung sana lahat ng banyo sa mundo ay kasing linis ng amin. Sigurado akong madaragdagan ang kasiyahan ng magkababarkada sa kanilang mga house hopping. Ang kaso hindi ganoon ang mga bagay-bagay.

Pamilyar ka din siguro sa karanasang ito, na minsan kang nawiwiwee habang bumibisita sa bahay ng kaklase mo. Ang tama sanang gawin, kung ikaw ang may-ari ng bahay ay sasamahan mo sya sa banyo at titingnan mo muna ang kalinisan ng banyo atsaka mo sya patutuluyin. Nang minsan akong tinawag ng kalikasan, wala sa binanggit ko ang nangyari. Kaya sumunod na lang ako sa direksyon na tinuro sa akin ng kaklase ko.

Dahan dahan akong pumasok at kinapa ang switch ng ilaw. Click, lumiwanag. Ha! Surprise! Hindi ko naman inaasahan na magiging super linis ng banyo nila dahil sa itsura ng sala nila. Pero di ko rin naman inaasahan na ganoon sila ka dugyot sa banyo to the point na may hindi na flush na tatlong layers ng jerbacks sa inodoro nila. Akala mo nagre-wrestling ang mga jerbs, patong patong. Ganun ba ang paraan nila ng pagtitipid ng tubig, isahang flush na lang. In fairness naman di ko kaagaad na pansin ang amoy ng jerbs nila. Minarapat ko na lang magpigil ng ihi kaysa sa mapilitan akong i-flush ang mga hugis talong na nasa harap ko.

Araw ng sabado noon ng mapagpasyahan naming magkakagrupo sa Computer class na gawin na ang project namin na ipapasa na sa Biyernes ng susunod na linggo. Tulad ng maraming estudyante pinili naming sumailalim sa pressure ng last minute preparation at di na gumawa noong araw na yun.

Maganda ang bahay ng kaklase na pinuntahan namin. Konting ayos na lang iisipin mong kumuha pa sila ng interior designer para ayusin ang mga kasangkapan nila sa bahay. Dahil dito hindi na ako nag-atubili magpaalam sa kanya mag banyo. Katulad ng kaklase ko sa unang kwento. Tinuro nya lang sa akin ang direksyon papuntang CR. Iniisip ko na confident sya na walang mapapansing kakaiba sa banyo nila kaya di nya na ako sinamahan.

Pagpasok ko sa banyo naramdaman ko ang dulas ng kanilang sahig, baka mga tira-tirang sabon na hindi nabuhusan ng maigi, sabi ko sa sarili ko. Mabilis ko namang nahanap ang switch. Click, kita ko agad ang inodoro, salamat at walang laman. Ganun pa man mabilis na tumawag sa pansin ko ang mga kulay green na bagay sa pader na nasa harap ko. Mahilig pala sa halaman ang pamilya nila at may greenhouse pa sila sa loob ng banyo. Kitang-kita ko ang ibat-ibang kulay ng lumot na nanunuot sa pagitan ng mga tiles ng pader at sahig nila at ang natapakan ko mga lumot din pala.

Promise kung pwede lang lumutang ang tao sa ere ginawa ko na sa sobrang diri. Tinaas ko na lang ang mga daliri ng paa ko hanggang sa ang mga buto na lang ng mga talampakan ko ang sumasayad sa sahig. Maasahan mo pa ba akong makaihi kung sa pagtayo pa lang ay hirap na hirap na ako.

Siguro banyo ang parte ng bahay na minsan lang natin tinatambayan. Ngunit gaano man kahalaga ang sala, kwarto, at kusina ganoon din ang banyo. Di ba mas masarap na sa paglalabas mo ng sama ng loob ay kumportable mo itong gingawa.

Photo Source: http://img14.imageshack.us/img14/3071/a83o.jpg

Thursday, October 29, 2009

Pinaka nakakahiyang experience ko nangyari sa mall

Nang minsang narinig ni Rodolfo Reyes o kilala din sa pagiging tatay ko, ang katagang “humayo kayo at mag-pakarami” buong puso niya itong sinunod. Mula pagkabata alam ko na meron akong dalawang mas nakatatandang lalaking kapatid sa ama. Nasa Cebu sila kaya hindi kami close, tuloy wala akong maikukwento sa inyo tungkol sa kanila.

Pa-fourth year na ako noon ng sinabi sa akin ni mama na nalaman nyang meron pa akong isang lalaking kapatid na nasa Mindanao naman(itago natin sya sa pangalang Facundo). Hindi na ako nagulat, pero ng maisip-isip ko ang ideyang kalat pala ang lahi namin sa Pilipinas natuwa ako.

Yung dalawa sa Cebu nakita na ako at parehas yata ang nasa isip namin na wala na kaming paki-alaman, samantalang si Facundo hindi pa. Sa kalagitnaan ng panunuod namin ni mama ng pelikula ni Sharon Cuneta na “Caregiver” nakatanggap si mama ng text galing kay Facundo, nasa bahay daw sya. Kahit wala pa sa kalagitnaan ang napanuod namin wala na kaming choice kung hindi umuwi.

Habang pauwi iniisip ko anong magiging itsura ko kasama sya. Ayaw ko kasi ng mga sitwasyong madradrama o kahit ano mang napapanuod mo sa telenovela, nababaduyan ako. Noong nasa bahay na kami tahimik lang ako at hindi kumikibo. Parang kahit hindi ako marunong maghugas ng pinggan gusto kong maghugas wag lang ako ma-stock sa sala kasama sya. Buti pagkatapos naming pumayag para ipasyal nya kami ni mama sa labas ay umuwi na sya.

Nung araw ng lakad namin, umiwas ako sa kanya hanggang kaya ko at kinausap ko lang sya kung tinatanong nya ako. Ilang beses nya akong pinilit na magturo pero humindi ako, dahil hindi naman talaga ako nagpapabili ng kung ano sa ibang tao, at isa pa may kamahalan ako magturo pag inaanlok.

Kinausap ako ni mama na bumili na lalo na nung inalok na ako ng rubber shoes. Dahil minsan ko na sa kanyang nabanggit na gusto kong bumili ng bago. Malinaw pa sa akin yung sinabi ni mama “Ja bumili ka na para di ako mahirapan(sa bugeting) tsaka para di sumama yung loob nyan” (nasa normal tone nya lang sinabi yun na parang may halong lungkot). Hanggang ngayon pag naiisip ko yung naging reaksyon ko natatawa na lang ako. Umiyak kasi ako sa loob ng mall, ewan ko kung bakit, para tuloy akong bata. Ang mas nakakahiya pa nasa men’s footwear section kami at nakikita ko yung mga saleslady na nakatinggin sa akin. Ang iniisip siguro nila kaya ako umiiyak ay dahil di ako ibinili ng rubber shoes ng nanay ko! Nakakahiya! Ngayon habang sinusulat ko to tawa pa rin ako ng tawa. Hahaha!...Hahaha!...Hahaha!

Syempre nakita ako ni Facundo na umiiyak at nag-akala syang sya ang dahilan ng pag-iyak ko, kaya nagyaya na syang umuwi. Salamat natapos din ang stress ko. Kinabukasan tinubuan ako ng limang tigyawat. Tag isa sa magkabilang sentido, dalawa sa kaliwang pisngi, at isang malaki sa gitna ng noo.

Wednesday, October 28, 2009

Adam Lambert and Tribe Mates

Bawat bukas ko ng computer gawain ko na ang tumingin sa mga articles na featured sa homepage ng Yahoo at sa pagkakataong ito wala naman sa plano ang gumawa ng blog entry hanggang nakita ko ang article tungkol nga sa album cover ni pareng Lambert. Ofcourse excited akong makita ang album cover kasi isa din akong photoshop fanatic and I was expecting an album cover that is a little bit gothic, dark, or rocky star ang dating since Adam really owned the color of black.

Kaya naman literal na napabuka ang bibig ko ng makita ko to. Yes it is beautiful in the manner that it was edited but I was not hoping for Adam to take it in this level. Sa katunayan fan nya ako. Bet ko sya next to Danny Gokey sa Idol. I liked his version of "Black or White" and at present pinakikingan ko ang "Time For Miracles" nya.

Bilang lalaki na hindi naman ganun kagwapo at kapanget di ko maiwasan ang mahinayang sa kanya tsk....tsk....tsk. Pero gusto linawin wala namang problema ang pagiging bakla nya sa akin. Dahil sa tingin ko wala namang kinalaman yun sa pagkanta nya. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi lahat ng bakla ganun ang pagtingin ko at okey sa akin.

Para kasi sa akin may mga baklang okey lang, pwedeng at masayang kaibiganin, astig samahan at meron ding ginugusto kong layuan. Kasi kung sa mga lalaki ay may mga gangster at fratmen. Sa babae ay may mga babaeng pakangkang(term that na natutunan ko sa English prof ko.....gusto ko lang maexperience magamit) ang dating na dapat nating iwasan, ganun din sa bakla . May natatak na sa isip kong mga stereo type na gays na wala nang ibang lumabas sa bibig kundi ...nota....hadahan.... etc. Ayus lang naman gamitin yun kasi sa boys talk naririnig at ginagamit din naman namin yun in an another term nga lang but in my experience hindi naman namin ginagamit yun ng sobra sobra and to make other people uncomfortable.

Meron pa akong mga experience na titingnan ka ng bakla...na parang may iniimagine na ginagawa nyong dalawa. May nang-susunod din lalo na sa MRT sa Shaw naku! po....minsan sobrang kinabahan ako kung anong gagawin ko dahil kinalabit na at nabulungan na ako. Sa sobrang ilang lumayo na lang ako.

Pero I have this friend of mine na bakla pero di ako ilang sa samahan at kausapin kahit may nag-isip sa aming kami. Bakit? cause there is true friendship between us.

Adam Lambert article: http://new.music.yahoo.com/blogs/realityrocks/280481/adam-lamberts-album-cover-xanadu-or-a-xana-dont/

Trip sa Binangonan



Grabe! ang saya never felt happier and excited na pumunta sa bahay ng kaklase. Ang tagal ko na kasing curious sa itsura ng Rizal.
Kaya naman ng nag-invite si Mark na pumunta sa kanila la nang arte-arte pa kahit mahal ang pamasahe go ako.




Kahit alam kong mahihirapan ako ng konti mag-adjust naiisip ko na ring tumira sa probinsya. Ang ganda ganda ng view. Tapos nakita ko pa yung Mariang Makiling. HINDI NAMAN KASI KAMI GANYAN SA MAKATI!.

Sa pagtatapos ng araw iba ang pakiramdam hindi dahil I learned and explored something new but because I was able to win friends. I just brought my mom a pizza para pampadulas at dahil I felt guilty dahil ang paalam ko sa Pasig ang punta namin.



Tuesday, October 27, 2009

Euphemism: Sa mas mahirap na salita!

Bago pa man ituro sa amin noong high school ang tungkol sa Euphemism alam ko na to, dahil ginagamit lagi ito ng kaibigan ko na taga kabilang section tuwing mag-uusap kami. Akala ko dati gawa gawa nya lang ang mga terminong vertically challenge, unpaid sex slave, at cosmetically different kaya hangang-hanga ako sa talino nya, pero ng kinulit ko na sya kung paano nya ba nabubuo ang mga salitang ganun pinakita nya sa akin ang clear book nya na may lamang sandamukal na picture ni Sam Concepcion at sa tabi nito ang listahan ng mga terminong binabanggit nya. Binasa ko ito at ang galing galing!

Hindi ako sigurado kung may pinag-kaiba ang euphemism at ang politically correct terms kasi mahaba ang explanation ng dalawang terminong ito sa wikipedia. Ikaw na sana ang bahalang mag research tungkol dito. Ganoon pa man malinaw ang pagkakaintindi ko na ang pinaka gamit ng dalawa ay para mapahina ang masamang impact ng mga salita sa pamamagitan ng di pag tumbok sa ibig nating sabihin. Halimbawa ang salitang iskwater/slum ay maari mong sabihing “Economic Oppression Zone”. Sa ganitong paraan mas naiiwasan mong makapagpahiya ng tao ng di inaasahan.

Bukod pa sa pagpapaganda sa pandinig ng mga salita naisip-isip ko din na meron pa itong dalawang gamit. Una, mapagmukhang matalino ang nagsasalita at may nilalaman ang sinasabi ng isang tao. Kung may kaaway ka at sinabihan mo sila ng “panget” sa malamang kung di ka nila sabunutan sasabihin nilang “gago mas panget ka.” Pero pag sinabi mo sa kanilang “aesthetically challenged ka” hinding hindi nila sasabihin sa iyong “gago mas aesthetically challenged ka!” dahil matitigilan sila para mag-isip at mahirap sabihin ang “aesthetically” ng bigla biglaan.

Pangalawa, para mag patawa.

Sa paghahanap ko sa internet ng mga politically
correct terms madami akong nakita sa bored.com
at ito ang iilan.

Abortion - Near-Life Experience
Bald - comb-free
Blind - visually challenged
Cheating - Academic Dishonesty
Computer Illiterate - Technologically Challenged
Dead - living impaired
Deaf - Visually Oriented
Fat - gravitationally challenged
Fat - People of Mass
Fat - person of substance
Gang - Youth Group
Garbage Man - sanitation engineer
Gas Station Attendent - petroleum transfer technician
Housewife - domestic engineer
Hunter - Animal Assassin
Hunter - Bambi Butcher
Ignorant - factually unencumbered
Janitor - sanitation engineer
Lazy - motivationally dispossessed
Loser - uniquely fortuned individual on an alternative career path
Not with somebody at the moment - romantically challenged
Perverted - Sexually dysfunctional
Poor - Economically Unprepared
Prostitute - sex care provider
Shoplifter - Cost-of-Living Adjustment Specialist
Stupid - intellectually impaired
Wife - unpaid sex slave
Worst - least best
Wrong - differently logical

Kaya sa susunod na sabihan ka ng your a “person of substance” mag-isipisip ka na kung pinupuri ka nila o dapat mo na silang daganan.

Sa bawat bagyo BABANGON TAYO!

Originally Posted:September 29, 09 in miloanddonuts.multiply.com

I know it's kinda late for me to talk about this but kanina lang talaga nag-sink-in sa akin ng kumanta si Dulce ng "You Gotta Friend" sa Unang Hirit ang lahat ng nangyari di lang sa akin kundi pati sa kapwa ko. During the calamity naman kasi I was so relax thinking that this is just one of those days that are meant to piss you off and if no one from my love ones and friends ang susunduin ng maaga din there is nothing to be afraid of. Ayus lang naman ako noon as long as ma save ko ang PC, pictures, and book collections ko, though di nakaligtas ang "Paboritong Libro ni Hudas" ko, pero super ayus na din lalo na ng nakita ko yung mga video footage ng bagyos sa T.V. napaisip ako, shit! super swerte ko pala.


Kahit pinasok ang bahay namin ng baha and did not have electricity for two days, so what! walang wala ang tiniis ko kumpara sa ibang tao na na-stranded in a very bad situation, nawalan ng bahay, or worst naiwan na lang ng mag-isa sa buhay. Reklamo ako ng reklamo kasi I was'nt able to took care of my farm sa Farmville samantalang yung iba totoong bahay na ang di maaalagaan dahil nilubog na nga ng baha. kung iisipi super nakakahiya sa sarili.

So far hindi ko alam kung nalagasan na ba ako ng kaibigan pero I hope na buo kaming makaalpas sa susunod na sem. And again yung mga naririnig nyo sa T.V. na they blame this all to Global Warming, isa yung KAGAGUHAN. The term Global Warming is just a cover-up, a euphemism, a term to soften the intensity of the fact na gago tayong mga tao. Mga bobo para sirain ang sariling bahay. Sabi sa isang ad na napapanuod ko dati sa Discovery Channel, "WE ARE ON AN ISLAND WE CAN'T LEAVE", if so we should be making the most out of it by doing our best in taking care of it.

May natutunan ako sa experience na to, "Hinding hindi na ako magtatapon ng candy wrappers sa kalsada", cause candy wrappers have their own of getting back to you.

Minsan pag may nangangamusta sa akin sa chat sa Facebook dinadaan ko na lang sa biro na. Na miss place ko ang ilang body parts ko sa sobrang taranta. Pero ito seryoso na.

"Ikaw na nawalan ng kapares ang Chucks."

"Ikaw na nawalan ng pinundar na kagamitan."

"Ikaw na nawalan ng tirahan."

"Ikaw na nawalan ng mahal sa buhay."